Miyerkules, Marso 2, 2016

Walang Senior Citizen Discount sa Queens Pharmacy ng Cebu

Last February 2015, napunta ako sa Cebu kasama ang aking mga kaibigan. Dahil nga kilala ang Cebu bilang isa sa mga tourist spot ng bansa, buong buwan namin halos nilibot ang lugar sabay tikim ng mga pagkaing pinagmamalaki ng mga lugar.

Dito ko rin nadiskubre nang di sinasadya ang isang pharmacy na sa tingin ko, walang respeto sa ating batas. Tinatawag itong - Queens Pharmacy na nasa downtown area sa Siyudad ng Cebu. Nahaharap ito sa Gaisano Capital Building, Jollibee, McDonalds at ng Sun Gold na tagabente ng mga furniture.

Bumili ako noon ng isang gamot para sa sakit sa ngipin nang may narinig akong isang lola na nagtatanong sa tindera ng Queens Pharmacy bakit hindi pwede ang Senior Citizens Discount sa kanilang tindahan. Ang sagot naman ng staff ay discounted na daw ng 20% ang kanilang gamot. Dahil sa narinig bigla akong sumali sa usapan at sinabing, ang Senior Citizens Discount sa mga gamot ay dapat applicable kahit ano pa mang presyo ng gamot sa isang tindahan. Ang sinagot ng staff ay masyado na daw mura ang kanilang gamot at di na dapat sila nagbibigay ng discount. Yun, at yun daw ang kanilang patakaran, Sinabihan na lamang ako ng Lola na ok na lang daw at oo nga mas mura ang kanilang mga gamot kaysa ibang pharmacy, sabay pasalamat sa pagnanais kong makatulong.

Pero ang mali rito ay ang mismong Queens Pharmacy. Hindi rin totoong discounted na ng 20% ang kanilang gamot. Kasi sa pag-iimbestiga ko kasama ang aking mga kabarkada, nalaman kung kakarampot lang na pagkakaiba ng presyo ang kanilang mga gamot kaysa Mercury Drug at Rose Pharmacy. Ang deperensya? mahina na sa isang piso, 40 cents, 50 cents o mataas ng konti. Halimbawa, kung ang gamot ay P10, kung 20% ang discount na sabing binibigay na nila sa lahat ng customer kahit hindi Senior Citizen, dapat ang presyo ay P8 nalang, tama? Kinaltasan natin ng 20% ang P10, kaya P8. Pero hindi nga ito ang ginagawa ng Queens Pharmacy. May gamot pa silang P30+ ang presyo, pero ang deperensya sa ibang pharmacy ay 60 cents lamang. Malayo sa sinasabing 20% automatic discount na daw.

Kahit mas mura ang gamot nila, kung wala namang 20% sa mga Senior Citizens, mas nakakatipid ba ang mga Senior o talo? Tingnan natin sa example na ito;

Isa kang Senior Citizen. Bumili ka ng gamot.

Tag P20 ang isa sa Queens Pharmacy.
E mas mahal kung di ka sa Queens bibili, example P20.50 sa ibang pharmacy

Bumili ka ng lima sa ibang botika.
P20.50 x 5 = 102.50
pero may less na 20% ka naman
P102.50 - 20% Senior Citizens Discount = P82
Imbes na P102.50, ang babayaran mo nalang ay P82
Nakatipid ka ng P20.50 ng dahil sa Senior Citizens Discount

E kung sa Queens Pharmacy ka bibili na sinasabing mura, pero makapagmumura ka naman dahil walang Senior Citizens discount, nakakatipid ka ba?

Sa Tag P20 ang gamot, bibili ka ng 5
P20 x 5= P100
at walang discount.

P82 versus P100? Saan ang mas mura?

Shit makapagmura ka nga!


Magbabayad ka ng P100 sa Queens Pharmacy. Sa ibang botika kahit na medyo mahal lalabas pa rin na mas nakakatipid ka don kasi P82 lang ang babayaran mo.

Kaya wag paloloko. Sumahing mabuti at wag tangkilikin ang mga botika na di sumusunod sa batas.
Kung maari kasohan ang mga lintek na to para magtanda.




Kaya malinaw na panloloko ang ginagawa ng pharmacy na ito. Malinaw na paglabag sa batas, sa batas ng Senior Citizens Act. Ang nakasaad;

Sec. 4 Section 4 of Republic Act No. 7432, as amended by Republic Act No. 9257, otherwise known as the “Expanded Senior Citizens Act of 2003”, is hereby further amended to read as follows:

“SEC. 4. Privileges for the Senior Citizens. –
The senior citizens shall be entitled to the following:

“(a) the grant of twenty percent (20%) discount and exemption from the value -added tax (VAT), if applicable, on the sale of the following goods and services from all establishments, for the exclusive use and enjoyment or availment of the senior citizen.

“(1) on the purchase of medicines, including the purchase of influenza and pnuemococcal vaccines, and such other essential medical supplies, accessories and equipment to be determined by the Department of Health (DOH).

“The DOH shall establish guidelines and mechanism of compulsory rebates in the sharing of burden of discounts among retailers, manufacturers and distributors, taking into consideration their respective margins;


“(2) on the professional fees of attending physician/s in all private hospitals, medical facilities, outpatient clinics and home health care services;


“(3) on the professional fees of licensed professional health providing home health care services as endorsed by private hospitals or employed through home health care employment agencies;


“(4) on medical and dental services, diagnostic and laboratory fees in all private hospitals, medical facilities, outpatient clinics, and home health care services, in accordance with the rules and regulations to be issued by the DOH, in coordination with the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth);


“(5) in actual fare for land transportation travel in public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), taxis, Asian utility vehicles (AUVs), shuttle services and public railways, including Light Rail Transit (LRT), Mass Rail Transit (MRT), and Philippine National Railways (PNR);

 Di ba malinaw sa batas na discounted dapat ang mga gamot sa isang Senior Citizen? Pero sa kaso ng Queens Pharmacy na mura na daw ang kanilang gamot at hindi na kailangan ng discount tama ba ito?

May pahayag ang DTI tungkol sa mga kasong katulad nito;

THE Department of Trade and Industry (DTI) issued an opinion that the 20-percent discount granted to senior citizens under Republic Act (RA) 9994 is “over and above” the discounts offered and sold by an establishment to its clients under its paid-for membership or privilege cards.

Tungkol ito sa kaso na inihain ni Atty. Romulo Macalintal ang may-ari ng isang restaurant sa Pasay City makaraang tanggihan siya na bigyan ng diskwento para sa pagiging senior citizen .
Kasong paglabag sa Expanded Senior Citizens Act ang isinampa ni Macalintal laban kay Ginalyun Harris, may-ari ng CafĂ© Medi­terranean.

 Sa kanyang limang pahinang reklamo sa Pasay City Prosecutors Office sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Antonio Carlos Bautista, nakasaad na hindi umano ipinagkaloob  ni Harris  ang 20-porsiyento diskwento kay Macalintal bilang senior citizen nang kumain sila ng hapunan ng kanyang may-bahay na si Milagros, kasama ang dalawa pang kaibigan noong Hulyo 5 dakong alas-9:30 ng gabi.

Sinabi ni Macalintal na matapos silang kumain at iniabot sa waiter ang kanyang lisensiya pati na rin ang sa kanyang misis upang mapagkalooban sila ng diskwento, subalit tinanggihan umano ito ng naturang restaurant.

Nagpaliwanag ang mag-asawang Maca­lintal sa staff ng restaurant,  na nakalimutan lang nilang dalhin ang kanilang senior citizen card kaya’t pinakiusapan ang management na tanggapin na lang ang kanilang lisensya na doon naman ay makikita ang kanilang edad, pero nabigo pa rin silang makakuha ng discount.

Iginiit ni Atty. Macalintal na malinaw sa batas­ na anumang lehitimong identification card na magpapatunay ng edad ng isang senior citizen, tulad ng lisensya ay sapat ng basehan upang pagkalooban sila ng kanilang karapatan sa batas.

Sino ang nananlo sa kasong ito?

Heto ang report na nailathala sa BusinessMirror.ph

THE Department of Trade and Industry (DTI) issued an opinion that the 20-percent discount granted to senior citizens under Republic Act (RA) 9994 is “over and above” the discounts offered and sold by an establishment to its clients under its paid-for membership or privilege cards.
The position was contained in a letter-opinion dated October 15, 2014, of the DTI, through Gerald C. Calderon, officer in charge of the Consumer and Trade Policy Division, addressed to the lawyers of Sofitel Hotel, Ponce Enrile Reyes & Manalastas Law Offices, in an answer to the latter’s request for an opinion on the issue.
The request stemmed from a case filed by senior citizen-lawyer Romulo Macalintal against Sofitel Hotel, when the latter allegedly refused to grant him his aforesaid 20-percent discount as a senior citizen over and above the 50 percent granted him as a member of Sofitel’s Accor Advantage, where a member, like Macalintal, pays an annual membership fee of P8,800.
Macalintal argued that the 50-percent discount was by virtue of his contract  with Accor, while the 20 percent is a benefit granted to him by law as a senior  citizen.  If the 20-percent discount is already covered by the 50- percent Accor  discount, then what he only gets from Accor is 30 percent, and it is practically Accor enjoying  his 20-percent discount. Sofitel, through its lawyer, said that extending both discounts to Macalintal would violate the provision of the law prohibiting “double discount.”
While the case was amicably settled by Sofitel and Macalintal, part of the settlement agreement was that both parties would seek the opinion of the DTI on the issue. Thus, on August 15, 2014, Sofitel’s law firm wrote the letter to the DTI with the concurrence of Macalintal
In its opinion, the DTI clarified that “the prohibition on double
discounting is applicable only when
the giving of discount is for the establishment’s promotion [and] a DTI permit is applied and secured before an establishment can proceed with its promotional scheme.”

Macalintal said that “since the    Accor card is not a promotion approved or permitted by the DTI, then the double-discount provision does not apply. This DTI opinion should now serve as a wake-up call, if not a warning, to hotels and eateries with paid-for privilege cards not approved by the DTI that even with the discount under such cards, the senior citizen is still entitled to his 20-percent senior discount.”
Macalintal added that the said opinion could be taken as “a landmark ruling which validates and confirms my oft-repeated position that even if an item or service is claimed by an establishment to be ‘on promo,’ a senior citizen is still entitled to his 20-percent discount if such ‘promo’ is not
approved or permitted by the DTI.”

While the DTI was cautious in saying that its “opinion is merely advisory in nature and not binding upon the parties, who may contest the same before the courts”, Macalintal said that the said opinion “has a very persuasive effect, considering that it is the DTI which is tasked by law to issue guidelines and policies on how the law on senior -citizen  rights should be implemented.”
“The DTI’s opinion is surely a welcome development for all senior citizens who are holders of membership or privilege cards they purchased from certain five-star hotels, since it is very clear that they may claim both the 20-percent senior citizen’s discount and the discount under their membership contracts with the said establishments,” Macalintal said.

 Ang kasong ito ay maihintulad din sa ginagawa ng Queens Pharmacy. Sa argumentong mura na ang kanilang gamot kaya dapat wala ng discount, ay talagang labag sa batas. Kasi ang 20% na discount ay aplikado sa lahat ng pharmacy kahit ano pa man ang kanilang presyo, mura man o mababa. 

Hindi ko maintindihan bakit wala man lang ni isang nakapagreklamo sa pharmacy na ito, o baka naman may kapit ito sa taas. Akalain mo, matagal na daw ang pharmacy na ito. Ibig sabihin mula nang naipasa ang Senior Citizens Act, ang pharmacy na ito ay hindi sumusunod sa batas? 

Ma walang galang na, pero ang kasabihan ay ganito, pag intsik daw ang may ari ng isang tindahan palaging may violations sa mga batas ng Pilipinas. Hindi lahat, pero palagian. Bakit ganito? Sino ba ang mga may-ari nito? Ang lalakas ng loob? Hindi natatakot sa batas ng Pilipinas?

 Ang dapat gawin ng Office of the Senior Citizens' Affairs (OSCA) sa Cebu ay magkaroon ng mga taong magsiyasat dito pag nakakarinig na ng usapan sa mga violations, hindi yong maghihintay ng formal complaints. Sila mismo ay pwedeng gumawa ng aksyon agad-agad kasi may paglabag na sa batas. Tingnan mo ang nangyari dito sa tarantadong Queens Pharmacy na to, dahil wala sigurong nagpasa ng formal complaint sa kanilang opisina ay patuloy ang pagtatarantado sa batas natin.

Sinubukan kong tawagan ang OSCA para ireport ang Queens Pharmacy. Sinagot ako ng staff nila na baka daw kaya walang discount kasi mura nga daw ang gamot sa botika na to.  Anong baka? Nilagang baka? OSCA..oscamaryusep, kaya pala may mga reklamante na nawawalan ng gana magreklamo sa opisina nyo kasi hindi malinaw ang inyong mga sagot sa reklamong ito. Dapat alam niyo ang batas. Dapat malinaw na nakakaintindi kayo ng batas. Pag may tumawag, diretso dapat ang sagot. Kung paglabag ba yan o hindi. Hindi yong sasagutin ka ng baka sir, siguro.
Hindi matiyak ng nakasagot kung may paglabag ba ang Queens Pharmacy. Istupidang Staff.

Kung ikaw reklamante tapos alam mo palang hindi sigurado kung mali ba o tama ang irereklamo mo, mag-aaksaya ka pa ba ng oras? Kung ang mga staff ng OSCA alam ang batas, dapat agad silang sumagot ng diretsahan kung may paglabag nga o wala. Sinabihan pa ako na magfile ng formal complain sa opisina nila, may form daw dun, pati daw Senior Citizens ID number kailangan. E di nga ako Senior Citizen pa I'm just a fresh graduate, paano ako magrereklamo? Sinagot ako na dapat daw may kasamang Senior na reklamante. Ano ba! Hindi pala sila gumagalaw ng dahil lamang sa isang sumbong! Dahil nga di pa ako Senior, di ako makapagfile ng complain! Palakpakan ang katarantadohang ito ng Cebu City OSCA! After a year siguro na walang complain, wala na lang silang gagawin? Tama ba yan? Di ba sila pwedeng mag-ala undercover para malaman nila ang mga tunay na nangyayari?

Hindi lang Queens Pharmacy ang nabalitaan namin na di nagbibigay ng Senior Citizens Discount sa kanilang mga Senior Citizens Customer, laganap ito sa mga botika sa Tabunok, Carbon at papuntang Magallanes St. at sa iba pang maliliit na Botika sa lugar ng Cebu. Tang Ina naman oh, wala na ba talagang takot ang mga hinayupak na mga may-ari nito? 

Napag-alaman din namin na ang Cebu Doctors Hospital ay di rin nagbibigay ng 20% discount sa mga Senior Citizens sa kanilang mga Laboratory Fees. Mga punyeta kayo!

Hindi mapagkakaila na ang Queens Pharmacy sa Cebu City ay mura ang gamot. Marami ang natutulugan dito. Pero kung sinasaula mo naman ang batas, lalo na ang basta na dapat sana para sa mga Lolo at Lola, ay ano kang matatawag. Punyeta de Pharmacy! 

Kailan aaksyon ang OSCA? Ang Cebu City Goverment? 
Ewan ko sa mga mahinang sistema nila!

Dapat lahat ng Botika sa Cebu imbestigahan na, at ipasara ang mga matigas ang ulo! Dapat na ring ilagay ng OSCA ang kanilang contact numbers sa mga pharmacy para kung may reklamo matagawagan agad sila at maipaalam ang mga maling gawain ng iilang mga botika!

Punyetang Queens Pharmacy. Sinasalaula ang ating batas!

May mga botika ba kayong alam na lumalabag sa Senior Citizens Discount? Magkomento at ibulgar sa comment box.
 


...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento